SONA NI PNOYNOY : AMPAW , AMPAW DUMAPO SA ALAPAW!


Hindi ko kinaya ang haba ng SONA kahapon. Buti na lang at hindi naman lahat ng channel sa cable ay nakahook up dun.  Hindi ko kinaya dahil hindi naman ang STATE ng Nation ang lantarang kanyang inilatag kundi parang ‘accomplishment report’ na inemyasan ng katakot-takot na kolorete de patute.  Ano nga ba ang estado ng bayang ito at ano ang kailangang malaman ng bayan. Una, pahapyaw at padaplis lang na tinalakay ang RH BILL , na tinawag niyang Responsible Parenthood.  Mukhang sumi-safety ang lolo mo para ‘wag mabatikos ng simbahan at ng mga konserbatibo.  Dapat lantaran na niyang ipinangalandakang isusulong na ang RH BILL upang mabigyan ng katuturan ang paghihimagsik ng kalibugang nagiging pansamantalang aliw ng karamihang nagdarahop.  Biglaang lunas at hayagang pagbibigay ng mga pang-ampat sa irresponsableng pagbubuntis.  Matuturuan mo pa bang maging RESPONSIBLE Parents ang mga taong nasa rurok ng pangangati ng kanilang mga harap? Dapat nating tandaang ang orgasmo ay sensasyong  madaling marating at ubod ng sarap na inaabuso’t sukat na lang. Wala rin tayong narinig na IBABALIK NA ANG DEATH PENALTY.  Oo naman. Kapag meron nito, seguro naman ay mag-iisip ng isang libong beses ang isang gago bago gumawa ng karumaldumal na krimen.  Malamang na ang mga magpapatiwakal na mga buhong na lamang ang magtatangkang gumawa ng kaaliwaswasan sa kapwa.  Kaakibat nito ay WALANG proyektong magpapalawak sa pagmonitor ng sikolohikal na estado ng mamamayang Pilipino. Oo na nga’t naroon na tayo at nais nating maibsan ang pagkalugmok natin sa larangan ng ekonomiya , nguni’t mas sobra pa sa labis ang ating aanihin kapag naimulat tayo sa matino at mapagkawang-kapwang mundo!

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s