SUPERSTAR NORA AUNOR vs STAR FOR ALL SEASONS VILMA SANTOS : SINO ANG NARARAPAT NA MAGING NATIONAL ARTIST?


Dahil sa usaping kung sino ang nararapat na isulong bilang NATIONAL ARTIST, marami tuloy na mga namayapang kontrobersiya ang binuhay na parang mga naagnas na zombie!  Nakakatawa at nakakaadwa ang mga naglalabasang mga latak ng nakaraan at mukhang nabuhay muli ang tapatang NORA AUNOR at VILMA SANTOS Mukhang nabuhayan ng loob ang mga uugod-ugod nang fans ng dalawang sikat na artistang tinaguriang SUPERSTAR at STAR FOR ALL SEASONS , respectively. Hindi natin maiwasang makidawdaw while the iron is hot dahil ang mga past evils ay pamilyar at chismis lamang noong kapanahunan nito.  Nariyan ang diumano’y BETAMAX SCANDAL ni Vilma ; ito ang sagot ng mga Noranian sa tiradang ang kanilang idolo diumano ay adik sa shabu at casino.  Natural lamang na sumagot sila dahil sa mata ng mga panatiko perpekto ang kanilang sinasambang artista. Sumagot din ang mga Vilmanian na diumano si Nora ay tinaguriang ‘bakla’ ng kanyang mga leading men dahil magaling raw itong bumlow-job na binalikan naman ng mga Noranian na nympho diumano si Vilma dahil matindi raw ang pangangailangan nito sa sex. Grabeng mga alegasyon na pinupukol ng mga taong dapat ay pagtuunan ng pansin ang merito ng kani-kanilang mga manok. Hindi rin daw pupuede si Dolphy , Erap, at Eddie Garcia dahil napaka-imoral raw ng mga ito. Kaya, hwag na tayong magtaka na ang susunod na tatanghaling National Artist ay walang iba kundi si MISS ROSA ROSAL!

About these ads

6 comments on “SUPERSTAR NORA AUNOR vs STAR FOR ALL SEASONS VILMA SANTOS : SINO ANG NARARAPAT NA MAGING NATIONAL ARTIST?

  1. ito dapat ang maging line up ng nationa artist: carmen rosales, rogelio dela rosa, gloria romero, fernando poe jr, dolphy, amalia fuentes, susan roces, nora aunor, vilma santos they are in many ways dominated sining ng pelikulang pilipino! or gloria romero, dolphy, amalia fuentes, susan roces, nora aunor, vilma santos. the 1st three are movie queens, amalia fuentes is a legend, nora unor and vilama are best actress.

  2. sa 1st year ang dapat unang bigyan si dolphy at gloria romero, then sa 2nd year sina joseph estrada, amalia fuentes at susan roces, (sila ang remaining BIG 3 of dekada 60’s yhey are also top producers during thier prime dominating phil showbiz ng ilang dekada,kung saan ang era nila ay Golden Years of Phil Movies! mataas ang pagpapahalaga sa kanila sa mundo ng sining ala hollywood)the sa following year sina nora aunor at vila santos!

  3. joseph estrada? hello!?
    hindi guillermo awards ang national artist.
    yun iba kasi ine-equate ang pagiging queen chuva, king chuva, box office chuva sa national artist. unang batayan ang kalipunan ng gawa at ang taas ng lebel ng sining nito. at kahit kailan hindi nagiging batayan ang box office chuva nila. at hindi rin batayan kung gaano kakinang ang star nila or sa ibang pananalita, pagiging celebrity. para mo na ring sinabi na karapat-dapat maging national artist for cinema si carlo j. caparas dahil sa box office chuva ng mga massacre movies niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s