ANNE CURTIS, ROGUE OCTOBER COVER GIRL : PANIBAGONG BABATIKUSIN!


Nang bumulaga sa mga tindahan ang YES! magazine issue kung saan ang cover ay isang NORA AUNOR ay may hawak na sigarilyo; kagya’t na binatikos ng maraming nagmamalinis na grupo ang kaganapang iyon.  Anila pinopromote diumano ang paninigarilyo na sa ngayon nga ay matamang pinatutuunan ng pansin at minamarapat na sana ay tigilan na ng mga adik sa nikotina.  Unang depensa naman ng mga nakakaunawa, MATANDA na si Ate Guy at kahit ano pang gawin niya sa baga niya ay kargo na niya. Tama rin siyang maging modelo ng paninigarilyo dahil kahit nagparetoke siya ng mukha ay mukha siyang tuyot at walang buhay sa litratong iyon. Actually pantakot nga yon na kapag naninigarilyo ka magmumukha kang mas matanda pa pagsapit mo ng 58.

Pero walang takot pa ring nag-pose si ANNE CURTIS sa October issue ng ROGUE magazine na may hawak ring sigarilyo na nauupos.  Mapanukso naman ang itsura niya rito na para bang kagagaling lang niyang makipagtalik at upang patayin ang lasa ng sex sa kanyang bibig ay kinailangan niyang magsindi ng isang stick ng kamatayan at ibuga sa sanlibutan ang mahigit sa apat na libong toksikong elemento! Malamang ay titirisin muli ng mga grupong hawak diumano ang adbokasiya ng moralidad at kalusugan ang pabalat na ito… pag-ubos na at kumita na ang publisher? Tapos na rin ang isyu! cHOZ.

Tungkol sa mga ad na ito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s