HARDIN NG POSTEMA, DAIG ANG PARAISO SA GANDA!


DIREKly INVOLVED
by RONALD C. CARBALLO

Lumibot na rin naman ako sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.Hindi ako nakakita ng ganito kagandang lugar, kahit sa Amerika pa. Pero heto nga’t narito lang sa Tanza, Cavite ang daig ang tunay na paraiso sa ganda ng lugar na ito…ang HARDIN NG POSTEMA.10 hectares siyang mega-lawak na 24 HOURS RESORT HOTEL sa gitna nga ng hardin na luluwa ang mga mata mo sa pagtanaw, ngunit mo hindi agad malilibot ng isang lakaran. Very good for exercise,habang pumapasyal ka sa kabuuan nito na parang ikaw lang ang may-ari ng “hacienda” kasabay ang pangangarap ng gising na ii-enjoy mo ang birong-tutuo ng isang nagyayaman-yamanan, “Pag-aari ko ang lahat ng abot-tanaw mo”.
Pero sa tutuong buhay, pag-aari ang HARDIN NG POSTEMA ng napakababait na mag-asawang si “Grandpa” ANGEL at “Mader” ZENY CESA na parang tatay at nanay ko na talaga, since na-meet ko sila nung early 80′s. POSTEMA ang pangalan ng baryong ito sa TANZA,CAVITE na dating bukirin at palayan lang nung 80′s na paborito ko nang puntahan kapag gusto kong magsulat na mayuming ihip ng hangin lamang at mga huni ng ibon ang tangi kong naririnig.
Ngayon nga’y HARDIN NG POSTEMA na siya. Isang tunay na pasyalang dinarayo ng mga taga-kung saan-saang lugar na 45 minutes away lang from Makati. Maraming swimming pool na iba’t iba ang sukat na puwedeng lumangoy ang sanggol hanggang ang pinakamatandang nilalang;malalaki ang mga cottages na may built-in na mga ihawan sa tabi ng mga swimming pool at may videoke para mag-enjoy talaga ang buong pamilya,barkada,magsyota,mga grupong may conference,seminar o team building; o kahit grupong ang nais lang ay ma-relax pagkatapos ng maghapong trabaho, perfect talaga ang HARDIN NG POSTEMA.Meron din siyang kuwadra ng kabayo na puwedeng mag-horseback riding or yung with karitela; may palaruan o playground din siya para sa mga bata ayaw pang mag-swimming;at nakakaloka…meron pang open stage na talbog ang isang football stadium, na puwedeng-puwedeng gawing venue for a concert with atleast, 100 thousand people capacity!
Magaganda rin talaga ang mga kuwartong puwedeng tuluyan for overnight o kahit ilang araw. Since, hindi naman sakim ang mga may-ari’t nagpapalakad ng lugar, talagang very reasonable sila in all aspects at affordable ng lahat. You can bring your cooked food para enjoy talaga ang kainan. Ang mga drinks tulad ng beer at softdrinks at yelo ay mabibili sa kanila na presyong bumili ka lang sa tindahan. Tulong na rin nila para nga hindi na magbitbit pa ng mabibigat ang mga bisitang itinuturing talagang kapamilya.
Very convenient sa lahat ang buong set-up ng HARDIN NG POSTEMA.Siyempre, napakalawak ng parking na puwedeng mag-park kahit isang daang bus na mga nagi-excursion doon araw-araw; Nag-enjoy na rin doon ang mga ikinasal sa hardin;ang mga nagbibinyagan sa bawat swimming pool; ang mga eskwelahang nagpi-field trip at maging ang mga grupo ngang nagsi-seminar, bukod pa ang mga tulad kong direktor na nag-shooting na doon at patuloy pa ring magsu-shooting doon. Ang sarap-sarap din ng lahat ng pagkain nila, kapag sa kanila kayo nagpa-cater sa malakihang grupo na super-naka-set up talaga na wala na kayong iintindhin, lalo nga’t sa mga recepcion ng kasal, binyag, debut, JS Prom at iba pang okasyon.
Higit sa lahat well-guarded ang lugar ng mga attentive at magagalang na security guards,magigiliw na service staff kahit sa front desk pa lang sa pangunguna ng Operations Manager na si VHAL ABIS with IRENE REYES,MICHAEL ALBAREDA, JAY-R ALBAREDA at ELNA CERRERO; at ang mga maliliksing life gurads.Talagang kapag naranasan ninyo ang ganda at tuwa sa HARDIN NG POSTEMA, imposibleng hindi kayo bumalik dito dala ang lahat ng inyong mga mahal sa buhay.
Laging puno ng tao ang malawak na HARDIN NG POSTEMA anumang oras at araw lalo na’t kung gabi at fully-booked din ang mga rooms dahil nga sa word of mouth at affordable talaga.Sa tutuo lang, hindi kailangan ng HARDIN NG POSTEMA ang ganitong uri ng publisidad dahil regular na ang kanilang mga kliyente’t dinudumog na sila talaga ng husto.Gusto ko lang i-share sa inyo ang magandang experience na di ninyo dapat ma-miss: ANG KAKAIBANG URI NG HARDIN NA DI NINYO MAKIKITA SA IBANG PARTE NG MUNDO, KAHIT SAANG LUPALOP PA KAYO NAROROON NGAYON. Naku, lalo na ang mga balikbayan sa anumang panahon…alam ko ang mga pinananabikan ninyong matagal ninyo nang di naranasan sa ibang bansa, heto nga’t ii-enjoy ninyo talaga’t abot-paa’t kamay ninyo lang!
Kinunan ko talaga ng mga litrato ang ilang parte ng lugar sa aking katuwaan dahil dati nga’y umuupo lang kami dito bilang dating palayan kasama ang aming mag-asawang kumare’t kumpareng AGNES CESA at Dr.LEXI SAULOG na inaanak ko nga ang pangalawa sa tatlo nilang anak, ang pagkaguwapu-guwapo’t pagkabait-bait na si GELO SAULOG na 23 years old na ngayon. Ganun na rin nga kalayo ang nilakbay ng maganda naming pagkakaibigan na daig pa namin ang isang pamilya, na mula sa simpleng bukid ay narito na ang HARDIN NG POSTEMA na puwede talagang ipagmalaking world class ang view at ambiance!
Narito nga ang mga larawan ng HARDIN NG POSTEMA. Hayaan ninyong larawan na lang ang magkuwento at hindi makukumpleto ang buhay ninyo, kung hindi kayo makakapasyal dito….

This slideshow requires JavaScript.

About these ads

17 thoughts on “HARDIN NG POSTEMA, DAIG ANG PARAISO SA GANDA!”

  1. direk,

    ang ganda ng lugar.thanks for posting.mag message ako sa yo sa facebook
    iwan ko contact numbers ko gusto ng family ko na pumunta dyan….

  2. Sir nais ko lang po sanang itanong kung meron po ba kayong email address ng pwedeng makausap sa hardin ng postema. naghahanap po kasi kami ng venue for our reunion. salamat po sa inyong balis na pag tugon.

  3. Sa mga nag-iinquire ng contact #s ng HARDIN ng POSTEMA subukan po ninyo ito: (046)437-1589, hanapin si Mr. Teddy Cesa.

  4. mag kano po pag ng one night sa hotel ng hardin ng postema ung malapit sa swimming pool po ? mg overnight kami ng hubby ko kc we need to relax bago bumalik sa trabaho reply pls asap godbless po :)

  5. From Baclaran, abang kayo ng aircon bus na may signage – TERNATE/NAIC or MARAGONDON/NAIC.. then sabihin lang sa conductor na POSTEMA kayo baba. around 45 ang pamasahe. Mag aircon bus, wag yung ordinary kasi mejo malayo at hindi comfortable pag hindi aircon.

  6. gusto ko malaman magkano room rate kung magovernight kami? magkano cottage kung swimming lang kami maghapon. pls reply sa email ko. magbirthday kz mommy ko next week. saka para makaranas ng swimming bunso ko.

  7. Sa mga nag-iinquire ng contact #s ng HARDIN ng POSTEMA subukan po ninyo ito: (046)437-1589, hanapin si Mr. Teddy Cesa.

  8. tanong ko lang po kung magkano ang entrance pag swimming per head at cottage. kung overnyt naman magkano ang per room at ilang oras ang overnyt.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s