ANG PANAGINIP … BOW!


Ito bale ang pinakahuling parte ng ating pakikipag-ugnayan kay Madam Rosa para dito sa Aliwan Avenue. Salamat naman at nai-share ni Madam Rosa sa mga readers ng A.A. ang kanyang mga kaalam sa mundo ng supernatural. Marami na siyang mga prediksyon na nagkakatotoo, kaya naman ang mga regular clients niyang mga pamosong celebrities ay sadyang panay ang balik sa kanya para patuloy na magpa-konsulta.
Kahapon ay in-interpret ni Madam Rosa sa mga readers A.A. ang kahulugan ng mga panaginip ukol sa mga hayop (animals). Ang mga hayop kasi ay mga simbolo rin ng kung ano’ng malalalim na kahulugan o pangyayari. Ngayon naman, sa bagong isyu na ito ng A.A. ay mga dream interpretations naman ukol sa mga ordinaryong bagay ang ilalahad ni Madam Rosa. Basahin n’yo:
1.) BUHOK-   “Ang buhok ay nagbabadya ng maitim at misteryosong mga pangyayari sa paligid. Kaya naman kadalasan, sa mga horror films, lagi nating nakikita ang mga mahahaba at maiitim na buhok ng mga multo na kakila-kilabot. Lalo na kapag ito’y nililipad ng hangin, tunay namang ang buhok ay nagbabadya ng katatakutan.
“Kaya naman, kapag ika’y nanaginip ng buhok, posibleng may multo sa bahay ninyo. Minamatyagan ka. Kung minsan ay hinihimas ka na, pero hindi mo pa nararamdaman. Kaya naman sa panaginip mo na lang siya makikita, sa pamamagitan ng buhok. Pero bukod sa may multo sa bahay ninyo, kapag nanaginip ka rin ng buhok, maaari ring may asuwang sa paligid ng bahay ninyo at inaasuwang ka na. Kaya dapat, kapag nagising ka na sa pinanaginip mong buhok ay magdasal ka na. O kaya, kumuha ka ng holy water at i-bless ang paligid mo. Pagkatapos, magsuot ka rin ng kuwintas na puro bawang (garlics) at isabit sa leeg mo.”
2.) KAMAY- “Ang kamay ay simbolo ng trabaho at kasipagan. Kasi, laging mga kamay natin ang ginagamit natin sa ating mga trabaho o propesyon. Tulad sa mga manunulat, kung wala ang kamay nila, hindi sila makakapag-type sa computer. O kaya, ang mga dentista. Kung wala rin ang kamay nila, hindi nila mabubunot ang ipin ng mga pasyente nila. Kaya naman, laging mga kamay natin ang gumagawa ng ating ikakabubuhay sa pang-araw-araw.
“Kaya naman, kapag nanaginip ka ng kamay, ang kahulugan niyon ay magkakaroon ka ng mga bagong assignments sa trabaho mo. Kung manunulat ka, magkakaroon ka ng mga bagong iinterbyuhin na artista para mas madami kang masulat. At kung dentista ka, mas yayaman ka dahil mas maraming papasok na magpapabunot ng ipin sa klinika mo. Kaya masuwerte rin kapag nanaginip ka ng kamay. Basta huwag mo lang gagamitin ang mga kamay mo sa masasamang paraan, panatilihing malinis ang mga kamay mo at aasenso ka. Tanggapin mo ang mga panibagong hamon ng mga assignments mo.”
3.) PAA- “Ang paa naman ay simbolo ng mga landas na tatahakin. Kaya naman ang mga paa natin ay palagiang kumikilos. Kapag nabugnot tayo at nainip dahil nakapuwesto lang tayo sa isang sulok, ang mga paa natin ay mas grabe ang nararamdamang pagkainip. Kung minsan, kusang kikilos yun at kukuyakoy dahil sa pagkainip at gustong-gusto nang lumarga. Kaya naman, ang mga tao ay dapat na laging lumalakad. Ika nga ng slogan ng Johnny Walker whiskey-KEEP ON WALKING.”
“Kaya naman, kapag nanaginip ka ng paa, ang ibig sabihin nu’n ay marami ka pang mga tungkulin na gagampanan sa buhay mo. May mga misyon ka pa sa buhay na dapat gawin, o kaya, mga panibagong lugar na dapat mong mapuntahan. Dapat ay maging mas matapang ka pa sa buhay kapag nanaginip ka ng paa. Pero ito naman ay nag-aalay din ng positibong pananaw sa buhay.”
4.) UBAS- “Kapag nanaginip ka ng ubas, marami ring simbolismo ito. Ang ubas ay bilog, at kapag namunga ay marami at magkakadikit. Kaya naman suwerte rin at positibo ang dating kapag nanaginip ka ng ubas. Ang ibig sabihin nito ay mas lalong dadami ang mga kaibigan mo. Mas marami ang mga faebook friends mo na magmamahal sa iyo. Dadami rin ang ipon mo. Lalo na ang mga pera mo sa bangko at alkansiya, madadagdagan pa yun. … Maganda rin ang epekto ng panaginip mo sa ubas sa flow of romance mo ngayon sa taong mahal. Dahil ang ubas ay nakakalasing, tulad ng pagibig, lalong mahuhumaling sa iyo ang taong minamahal mo.”
5.) ISDA-  “Maski anong uri ng isda sa panaginip ay maganda ang ibig sabihin. Ang mga isda kasi ay maliliksi, maagap, at aktibo. Kapag lumangoy sila sa karagatan, tila wala nang katapusan. Kaya naman, kapag nanaginip ka ng isda, ang ibig sabihin nito’y tatakbo ng masigla ang negosyo mo. At walang hanggang kalayaan din ang mararamdaman mo sa buhay.”
6.) BIGAS- “Ang bigas ay korteng bilog din na pahaba. Ito rin ay simbolo ng kasaganaan sa buhay. Kaya naman kapag nanaginip ka ng bigas, ang ibig sabihin nu’n ay magkakapera ka.”
7.) PAPEL- “Kung walang titulo ang lupain mo, ibig sabihin nu’n ay hindi sa iyo. At saan isinusulat ang titulo ng lupa? sa papel, di ba? Kaya naman kapag nanaginip ka ng papel, ibig sabihin nu’n ay magkakaroon ka ng lupain at house and lot.”
8.) STAR (BITUIN)- “Ang simbolo ng bituin ay kaningningan at kasikatan. Kaya naman kapag nanaginip ka ng bituin, ibig sabihin nu’n ay makikilala ka at tatanyag. Bukod dito, magkakapera ka pa.”
9.) PUNO- “Hahaba pa ang buhay mo.”
10.) KUBETA- “May darating na pera.”
11.) ULAN- “Magiging suwerte ang bagong bukas na negosyo mo.”
12.) PUTIK- “Magkaka-problema ka sa buhay mo.”
13.) LUPA- “Magiging humble ka at mapag-kumbaba.”
14.) SINGSING- “May nagmamahal sa iyo.”
15.) MASKARA- “May nagkukunwari sa ‘yo.”
16.) APARADOR- “May nawawala kang pag-aari na dapat hanapin.”
17.) MIRROR (SALAMIN)- “May espiritung gumagala sa bahay mo”
18.) PITAKA- “Kung ano ang binabalak mong bilhin ay maaantala.”
19.) NUMERO (NUMBER)- “Dapat na tumaya ka sa lotto.”
20.) UPO, TALONG O BASEBALL BAT- “Nananabik ka na sa
boyfriend mo.”

 


About these ads

117 comments on “ANG PANAGINIP … BOW!

  1. ano po ang ibig sabihin ng lumilipad sa panaginip.nakasakay sa kotse o bus na tumatakbo.umaakyat sa bundok?sana po masagot po ninyo ang aking katanungan ang buong panagalan ko po ay ROBERT DELA CRUZ GANNON june 17,1966.may swerte po bang dala ang kapanakan at ang aking pangalan?maraming salamat po ku inyong pagtutuunan ng pansin ang aking mga katanungan…..

  2. @CHRISTIAN kapag nananginip raw ng putol na daliri ang ibig sabhihin ay meron kang gustong gawin pero hindi mo nagagawa dahil sa kakulangan ng kaalaman o resources. @robert, natural ang managinip ng lumilipad, ang ibig sabhin nito ay mataas ang iyong pangarap para sa sarili at mga minamahal.

  3. @mae, hindi maganda ang ibig sabihin ang panaginip kung saan ay natanggalan, binubunutan, o kusang nalagas ang mga ipin; ito ay senyales raw ng kamatayan sa pamilya.

  4. nanaginip poh aq ng tubig,ilog poh cya an linaw, kasu nung nilapitan q parang my kuryente na pilit hinihila aq,kya umalis daw aq nadaanan q daw mkipot na daan tpos my ahas muntikan na daw aq ntuklaw……..anu pong ibig sabihin nun…thanks poh sa pag sagot sa una.

  5. nakilala ko na ng personal minsan si madam rosa. nagtuturo siya sa isang public school sa may malapit sa shaw boulevard, mandaluyong. pag nakita ninyo ng personal si madam rosa, makikita niu sa mga mata niya na hindi siya pekeng psychic. she can interpret your innermost feelings.

  6. just call me jhoan gusto ko lang po malaman kung bakit s tuwing na2ginip ko parang pakiramdam ko totoo last night nakita ko yung sarili ko s isang church sa gilid ng church nakita ko yung dalawang babae kila2 ko sila c jhona syaka c may pareho cla ngwork s bar. nagtaka ko s nakita ko kc s bandang gilid ng churh nakita ko silang nglilinis part parin 2 ng church lumapit s aikin c may at sabi nya s akin (46.000 evrymonyh yung sahod namn d2 dyn kah mglinis yung buong simbahan na yan lilinisin mo) sinimulan ko na mglinis ngpunas ako ng sahig ng simbahan nung nakita ko mg malinis na bigla kng napansin na my parang bahy na gawa s kahoy maliit s ilalin ng bahy parang s gilid nito my mga dumi peru kulay puti nna maliwanag at parang luma na yung bahy sumulpta s likod ko napasilip tuloy ako s loob ng church una kung nakita yung imahe ni jesus s krus at mama mary

    tapos bigla na lng nagkaroon ng mesa di midyu marami din tao kaya lang biglang my lumabas na tao na mukang pari kc nakaitim cla tapos ngha2gis cla ng mag higad s mga tao my cnasabi cla paru hnd ko maintindihan. nagulat ko kc kinakain nila yung mga higad na tinatapon ng mga nakaitim pati cla kumakain. tapos hinagisan koh ng higad hindi lng siguro 6 takot ko ng makita ko na sout koh yong mga higa. tapos nakita ng kasama ko na my higad ko sa ulo tinanggal nya yung higad mula s ulo ko tapos tinapon tumakbo kami. tapos napunta ko s isang karendirya kasama ko yung 2 kung kapatid umorder koh ng monggo preu wla namn kung pera kaya ginawa nilagyan ko ng uod yung monggo tapos cnabi ko dun s ngti2nda my oud yung monngo peru kinain parin namin nung ininit ulit ng ngtitinda yung monggo hinalu ko yung monggo na my uod dun s iniiniot na monggo kitang kta ko lumulutang yung mga uod s monggo

    gusto ko lang po malaman kung anu ibig iparating s akinn nito

    sna po mabigyan po kalinawan ang akin panaginip.

  7. Anu pu b ang ibig ng pabalik balik qng panaginip na bdei ng klasm8 q pumunta daw kmi xa isang h0tel na parang village na kung tignan…hinahabol kmi guzto kming patayin…xana malaman q pu ang sag0t

  8. hello po! ano po ang ibig sabihin ng lumilipad sa panaginip? lagi po kasi ako nanaginip na lumilipad ako eh, o kaya naman ay tumatalon sa mga bubong na parang lumilipad. Lagi rin po ako nananaginip ng banyo o cr. Kung minsan ay umiihi aq o kung minsan naman ay dumudumi. Nananaginip din po ako lagi ng baha o tubig baha, o mga anyong tubig. Minsan nanaginip din ako ng nakahubad daw ako sa labas ng aming bahay. Pakisagot naman po sa email add ko Yeah_rhizo5@yahoo.com.ph Thanks po!

  9. anu po ibig sabihin ng panaginip ko.dati hinuhuli ko ang asawa ko na me ibang karelasyon pero hindi siya umaamin 2 beses ko po ito napanaginipan.ngayon naman me kasex ko siya napanaginipan.umiiyak nalang po ako pg nagigising.

  10. mayroon kang mga balakin na hindi maganda sa ibang tao. masyado kang madamot kahit sa sarili. subukan mong magpatawad at mamudmod ng kagandahang loob…

  11. mahilig kang mangialam sa buhay ng ibang tao lalo na ng sa iyong mga kamag-anak. dapat iwasan mong magpatakbo ng buhay ng may buhay. gagaan ang iyong loob kung sundin mo ang payo ko.

  12. marami kang balak gawin sa buhay. gusto mong umunlad ng mabilisan. magpakatatag ka lang at magsikap at matatamo angiyong mga inaasam-asam sa buhay/

  13. kalamayin mo ang loob mo sa iyong mga ‘fears’ o takot sa buhay. masyado kang sensitibo at dapat tibayan mo pa ang pananampalataya mo sa Panginoon.

  14. mayroong pagbabago sa kalakaran ng buhay mo ngayon. dapat maging maingat ka rin sa iyong mga desisyon ukol sa pera at trabaho.

  15. Madam xixi pwd q poh b mlman kung ano ibig svhn sa pnaginip ng end of the world at minsan nman war maraming beses q po cla npapanaginipan and minsan din poh umuulan ng washing machine

  16. kapag end of the world o gyera ang dreams mo ibig sabihin ay meron kang fears na dapat mong ma-get over… tungkol sa pag-ulan ng washing machine, malamang marami ka pang gadgets na inaasam-asam…

  17. lagi kong napapanaginipan ang luma naming bahay pati un mga patay kong parents at sis. ko n patay n din…umuulan at nagpapahatid cla sa bahay nla..maraming pera binibigay nla skin…masaya naman cla at nkikipag usap skin.

  18. … kapag nakaka-dream ng mga dead relatives; filtered thoughts and memories lang yan. kailangang bigyan pansin ang mga alaala sa kanila, magtirik ng kandila at magdasal. ganun lang.

  19. ano po ba ang ibig sabihin ng aking panaginip kagabi? nanaginip po ako nag tutupi daw ako ng isang banig sa labas at maya maya daw po umilaw ang araw sakin ng napaka ganadang silag ng araw at humangin ng napakalakas at naramdaman ko yung hangin ang sarap sa paki ramdam ng hangin at maya maya daw po may lumapit sa akin na isang bata na babaeng mahaba ang buhok na kulot na nakalutang sa napakaraming damohan parang sumasama sama siya sa hangin at may naka palibot sa kanya na isng dahon na lumilipad at bigla sabi nya sakin halika sumamaka sakin sundan mo ako at sinundan ko po daw siya at para daw ako na sa paraiso na parng lumulutang ako sa lupa at tumigil daw kami sa puno na may kunting mga dahon na green na green talaga at tining nan ko ang kanyang paa nakalutang sa PUNO at bigla siya humarap sakin banda sa puno sabay sabi galit ka ba sakin? at sbi ko hindi bt ako magagalit ng tinatanong ko kung sino siya nag iba panaginip ko nasa dagat daw nako at kasama ko naliligo ang tita ko at pinsan kong babae yong katawan ko daw prang ino utusan lunurin ang pinsan ko pero daw pinipigilan ko at lumuluha daw ako at tinanong daw ako ng tita ko bt lumuluha ako at sinabi ko dw kc ung katawan ko gustong lunorin ang ank mo…at nag iba nanamn daw ang panaginip ko yung kamay ko ayaw daw maalis ang sakit sakit na daw at pakiramdam ko puno ako ng galit…at nalamn ko daw un ay panaginip parang pakiramdam ko gising na ko at yong mata ko naka bukas na kunti at nakikita ko yung sala namin at prang nakita ko ung batang babae sa panaginip ko nasa sala ng hihintay at pakiramdam ko lumulutang ako sa kamanamin at yong katawan ko daw parang inu utusan pumunta sa sala kagabi..at ng nakagising ako hingal na hingal daw ako at di ko nakilala sarili ko ang nasa isipan ko ay puno ng galit at habang naka higa ng patagil na gising sino suntok ko yong unan at ng tumilaok ang manok natauhan ako natandaan ko ang sarili ko at pag tingin ko sa cellphone ko kung anong oras ay 4:25 ng madaling arw…at hanggang ngayon gusto ko pong malamn kung ano ang ibg sabihin ng aking panaginip kagabi mag hihintay po ako ng inyong kasagutan maraming salamat po.

  20. @ms dreamxx, napavivid naman ng panaginip mo at napakahaba ng mga naalala mong detalye. anyway, isa lang ang masasabi ko : CLOSURE. mayroon kang mga relasyong hindi naging maganda o malinis ang pagtatapos. yan ang thoughtforms na bumabagabag sa iyong subconscious kung kaya napakahaba ng detalyeng natatandaan mo. maraming involved sa iyong nakaraan na hindi pa nakapagmove on ng mabuti dahil nga hindi sila nabigyan ng magandang pamamaalam. ang masasabi ko ngayon, pilitin mong magka-closure ng mabuti upang wag magkapatong-patung uli ang memries at thought vaults mo. thank you po!

  21. nanaginip kasi ako na isa daw akong pari at umiinom ng gatas sa isang chalice, yung tulad nung nasa simbahan. tapos maya-maya’y yung chalice na hawak ko sa panaginip, naging baril… anong ibig sabihin noon? thanks :-)

  22. @kazandro, meron ka atang pastoral issues na hindi mo napapanindigan; marami kang dapat i-resolve sa iyong sarili regarding your spirituality as opposed to your mundane philosophies.

  23. @neslyn, ang pagpapagupit ng buhok ay isang subconscious prompt na baguhin mo ang routine sa buhay mo; yong paraang mas mag-enjoy ka sa buhay pero tuloy pa rin ang aspirations mo. thanks.

  24. bakit ganon po ang napapanaginipan ko lagi nalang yung mga nag kaka crush sakin?ehh…d ko naman po sila naiisip o kaya naaalala bakit po ba madam xixi sila ang napapanaginipan ko di ko naman sila gusto! thanx po i will wait your answer.and always po kayong take care…

  25. @ms.lovelydreams, subconsciously flattered ka at hindi mo lubusang nauunawaan kung bakit maraming nagkakagusto sayo. yon lang un. tnx. madam xixi

  26. nanaginip poe aq nasa ibng lugar daw poe aq at bumili aq ng alahas n angklet n gold n puro bato na nagka2halaga daw poe ng 28k,,ano poe ibig sabhn nun,,

  27. Madam,ang una kong panaginip ay kasama ko yung crush ko sa kagubatan na may maraming patibong tapos bigla ako nahulog sa bangin. yung crush ko hindi alam kung nasaan ako nahulog. Matagal ako nakita ng mga tao hanggang narinig nila ang sigaw ko pero ang naglitas sa akin ay ang sarili ko(parang dalawa ang character ko sa panaginip). Hinagisan ako ng pisi patungo sa bangin na nandoon ako. pagkatapos ako iniligtas ng isa kong character, ay may nakita kaming ahas sa bangin. kinuha ni batas(ang rapper po sa fliptop)at binigay niya sa akin. Pinakita ko sa crush ko yung ahas para gulatin ko siya pero pagkakita niya ay nagustuhan niya yung ahas. Hinawakan ko po yung ulo at katawan ng ahas para hindi talaga makatakas. hindi naman malaki at hindi naman maliit ang ahas. parang sakto lang. Maya’t maya, bigla ako kinagat sa may index finger at nasugatan pa. naramdaman ko pa yung sakit. yung ahas ay pyton pero niloko ko yung crush ko na isa yung ahas na may lason at nagdrama ako na nahihilo ako at naawa yung crush ko. Nagising ako.

    Ang ikalawa kong panaginip ay naging halimaw yung ina ng crush ko at nakita ko siya sa bintana ng kwarto ko na lumilipad, itim ang suot(parang sotana), parang bambira, at ang pangit2x pero hindi niya ako hinabol. Maraming tao nakakita niya. natakot ako nun dahil walang lock yung bintana ko. buti Nagising ako.

    Ang pangatlo kong panaginip ay akala ko totoo. Akala ko kasama ko talaga ang crush ko at bestfriend niya. At buong gabi kami naglalakwatsa. Nagtaka ako kasi, sa panaginip ko, ay inaantok ako. Nagising ako.

    Ang pang-apat kong panaginip ay may shotgun ako at parang gusto kong patayin yung ina ng crush ko kasi halimaw ang kanyang mukha pero hindi ko siya mapatay dahil may hawak din siyang shotgun. nagising ako.

    Ang huli kong panaginip ay matagal lumabas sa cr yung crush ko at naamoy ko yung dumi. pagkatapos niya lumabas sa cr ay si batas(rapper) naman ang pumasok at hinintay ko siya. iniwan ako ng crush at bestfriend niya. naamoy ko rin ang dumi ni batas pero mas mabaho ang sa kanya. pagkatapos lumabas ay pinasakay niya ako sa kanyang sasakyan patungo sa bahay kung saan ako sinilang. Nagising ako.

    ISANG GABI LANG ANG LAHAT NG PANAGINIP NA INALAGAY KO DITO. ANO PO ANG IBIG SABIHIN LAHAT NA ITO? NATATAKOT NA PO AKO AT MARAMI NA TALAGA AKONG PROBLEMA. PROBLEMA PO SA LOVE LIFE AT KAIBIGAN. SIRANG SIRA NA ANG REPUTASYON KO SA SCHOOL AT NAHIHIYA NA AKO. MARAMI RIN AKONG KAAWAY DAHIL LANG TALAGA SA ISANG “BABAE”, YUNG CRUSH KO.

  28. heto may isa pa akong panaginip na medyo weirdo:

    nasa isang bahay daw ako ng friend ko sa States. Nag-iinuman kami ng friend ko nang biglang magkasunog sa bahay niya. Yung friend ko nakatakas habang ako naiwan sa nasusunog na bahay. Then heto ang nakakaloka, habang nasusunog ang bahay, may nakita akong mga numero sa dingdig na isinulat gamit ang dugo! Hindi ko na matandaan ang numero pero nagsisimula sa sa number 6.

    paki-explain naman po again. medyo kinakabahan ako.

  29. @richard… mukhang may sexual issues ka sa iyong sarili. ang mga sala-salapid ng mga events (chronological at hindi) ay nagpapahiwagtig na hindi mo pa lubos na natutumbok ang iyong katauhan (o kasarian). maging mas honest ka sa iyong sarili at hwag mong gawing dahilan ang ibang mga pangyayari sa buhay mo para maiwasan ang katotohanan. think it over… love, madam xixi.

  30. @kazandro, mahilig kang mag-entertain ng dark thoughts or mahilig ka seguro sa mga mysterious at macabre na palabas at babasahin. bungang-isip lang na tinubuan ng mga eksena iyong isip ang mga yan… love, madam xixi.

  31. actually wala siyang matinding ibig sabihin. ang alahas ay simbolo ng katigasan ng loob. nagpapahiwatig ito ng mas masinop na pagpapahalaga sa mga bagay at relasyon sa mga ito. love, madam xixi

  32. madam madalas ko mapanaginipan ang pamilya ko na nasa ibang bansa…na andito daw cla kasama ko,,,ok ang relasyon nmn sa panaginip ko pero sa totoong buhay hndi po,..ano po bang ibig sabihin noon??salamat po..

  33. madam nanaginip ako kagabi nagluluto daw aq sa kalan ayaw mamatay ng apoy pilit ko p din pinapatay..at pangalawa nmn sanggol tuwang tuwa daw xiya sken habang nilalaro ko siya…ano po ibig sabihin ng panaginip ko?maraming salamat po matugunan ninyo sana ang aking katanungan,,god bless..

  34. itatanong ko lng po madam kng ano po ba kahulugan ng panaginip ko..2 beses ko na po kasi napapanaginipan ang asawa kong nasa canada.una pong panaginip ko nalaman ko daw na may babae cya,tapos kinabukasan po napanaginipan ko naman na nahuli ko cya nung tinawagan ko cya sa cellfone nya pagkakaalam ko nasa work cya dat tym bgla po naririnig ko while im talkin to him na may nagkakantahan ng happy bday,at batang babae po ung may bday…tapos i asked him bakit wala cya sa work nya ang sabi po sa akin nasa makati dw cya sa kapatid ng boss nya at nagalit po ako at nasaktan nung sinabi nya un at pinauuwi ko na po ayaw daw nya umuwi da pa daw po pede kaya nangyari po nag hhisterical nako over the fone at paulit ulit cyang tntwagan dahil napuputoil linya…pagtawagko po babae sumagot galit na galit ako at tinatanong sino cya inaasar lng ako over the fone makulit daw ako paulit ulit natawag binaba ko po ulit at tnawagan asawa ko pero ayaw nya talaga na umuwi sa bahay namin kahit ano pilit ko d pa daw po pede..nagtataka lng po ako bkit ganun panaginip ko..araw araw naman po kmi magkausap sa chat at fone wala naman po tigil communication namin…ill wait for your responce po..thank you very much po..

  35. @che, mahilig kang makipagsapalaran sa mga bagay bagay na walang lantarang katiyakan. maganda yan kung sana ay laging patok, pero minsan kasi nadidispalinhado ang mga pangyayari kaya dapat ingat ka lagi sa mga papasukan mong negosyo man o relasyon. love, madam xixi

  36. @mharie,mukhang sobra-sobra ang selos sa katawan mo kahit di mo aminin. insecure ka sa relasyon nyo ng mister mo. kung i-kondisyon mo ang bigat ng inyong pinagsamahan na di matitibag ng anumang temptasyon, malamang mawawala na lang at sukat ang mga ganyang panagimpan. love, madam xixi

  37. madam nanaginip poe aq kagabi na hinahabol daw poe aq ng aso kinagat daw poe nia q ngpanggap na lang aq na nawalan ng malay…pangalawa batang babae nagsosolve ng mga numero sa blackboard…ano poe ba ang ibig sabhn ng mga napapanaginipan ko…salamat poe..

  38. anu po ibig sabihin ng panaginip na simbahan tapos nakaluhud ako dun…Eh ! yung hindi naman panaginip my nakita ko makinang..lumilipad parang bituin sa loob ng house namin tapos parang star.

  39. ,tungk0l po sa panaginip ko kasama ko ung childh0od friend ko na nagkagusto sa akin dati tap0s bumili po sya sa tindahan ng ate ko tap0s nagharutan kami tap0s bigla nya po akong niyakap ng mahigpit!an0h po ibig sabihin ng panaginip ko??

  40. hello po itatanong ko lng po kong anong ibig sabhin ng managinip ko..
    noong bata pa ako nanaginip ako na pumasok daw ako sa maliit na butas ng malaking kahoy at noong nasa loob na ako lahat ginto ang laman at hindi ordinaryong tao sila parang mga enkanto at pinapakain nila ako at yong kanin nila itim daw at walang lasa at kng kakainin ko daw un ako na ang bago nila prensesa ..palagi ko pong napapanaginipan un isa na doon yong may matandang puti ang kasuotan na parang si jesus na naghihingalo na daw at lumapit sa akin habang nakahinga xa nag oorasyon xa at ang sbai nya sa akin pag na saulo ko daw un makakabuhay na ako ng patay at 3 times nyang sinasabi at tinatanong nya ako kng alam ko na ang sabi ko oo pero 2 times ko lng binanggit .. at ang sunod may dalawang kalapati na lumilipad noong nasa lupa sila naging tao sila at puti ang kasuotan ..at ang sunod sabi sa akin ng matanda na pumunta daw ako ng alas 12 ng hating gabi at may mga gento daw akong makukuha ..ano po bang kasabihan yan ..please po paki sagot naman po ng aking mga katanungan matagal tagal na rin ito halos mga 20 yrs na tinatanong ko ang sarili ko kng bakit at wala akong maisagot sa sarili ko …

  41. ano po ba isig sabihin na palagi kong napapaginipan ang taong gustong gusto ko matagal na hanggang ngayon??

  42. magandang araw po sa inyong lahat..

    magtatanong lang po ako sa panaginip ko.lagi ko po napapanaginipan ang yumao kong ama almost 6 years na po,kadalasan po pag napapaniginipan ko po sya napupuna ko po sa sarili ko na isang babala ang mangyayari o masamang mangyayari.ngayon po napaniginipan ko po yung time ng burol nya at sinamahan ko po siya sa CR para umihi at nakita ko po yung ihi nya na sobrang lakas at sobrang dami ang ihi.Ano po ba kaya ang kahulugan nito???
    maraming salamat po sa inyo at more power!!!

  43. @che, meron ka naging atraso in the past sa isang tao in authority? malamang sinisingil ka lang ng iyong konsensya at dapat kang humingi ng paumanhin sa kung sino man iyon. or just pray for forgiveness na lang. love madam xixi.

  44. @charmaine, ung mga church dreams, religious issues yon. yong mga mechanical dreams ; ibig sabihin nun may mga techy aspirations ka. love madam xixi

  45. @qhel, marami kang mga sexual fantasies na gusto mo sanang matupad. ingat lang baka bordering towards perversion na yan! love madam xixi

  46. @nhica, dapat segurong iwasan mo ang pagiging ‘worrier'; pag ganyan kasi ibig sabihin lagi kang nag-aalala sa mga bagay na hindi naman dapat. love madam xixi

  47. @michelle, meron kang third eye na dapat ay pagdesisyunan mo kung bubuksan mo o hahayaan na lang sa isang tabi; masyado kasing malalim ang tema ng iyong dreams. alam mo, pagnilaynilayan mong mabuti yan at bigla na lang na lalantad sayo kung ano nga naman talaga ang ibig sabihin ng mga yan. huwag mo lang kalimutang pagtibayin ang iyong sa iyong Dakilang Manlilikha. Nawa’y gabayan ka nya at ilawan ang iyong pagtuklas sa iyong mga nakatagong katangian. love madam xixi

  48. @aileene, kung mayroon ka mang hinihintay o inaasam na dumating malamang matatagalan pa ang katuparan o pagdating. love madam xixi

  49. @orline. pag-isahin ko na ha? ‘yong pagbubuntis, malamang meron kang mga balak sa buhay o kahit pagbabago sa bahay o arrangements sa loob nito. ibig sabihin dapat isagawa mo na. ‘yong mga taong gusto; singaw lang yan ng iyong mga pagnanasa! love madam xixi

  50. @denver, yong dreams of lost loved ones,bunga lang ng pangungulila yan pero yong pag-ihi ng malakas ang ibig ipahiwatig nun ay mayroong mga kayamanang dapat isaayos kung ayaw ninyong mauwi lang ito sa wala… salamat sa pagtangkilik . love madam xixi

  51. MADAM,ANO BANG IBIG SABIHIN NANG,MAY NAKITA AKONG PERA NA NAKABALOT SA NEWSPAPER AT BASANG-BASA AT MEDYO NGKAPUTIK.TAPOS MAY NAKITA DIN AKONG MGA BARYA..

  52. @iryn , meron ba kayong ari-arian na nakatiwangwang? dapat asikasuhin nyo yan or else mapasakamay ito sa ibang kamag-anak nyo. love madam xixi

  53. Good day po sa lahat,

    Madam,magtatanong po ulit ako tungkol sa aking panaginip kasama ang aking yumaong ama.Ang huling natatandaan ko po paggising ko e binigyan ko po ng sopas at kinain nya po ito….ano po ba ang kahulugan nito????

  54. ano ba ang meaning kapag binuhusan ka ng kape ng girlfriend mo sa mukha? kasi yung latest kong panaginip, bigla siyang nagselos at inaway niya ako tapos binuhusan niya ako ng kape sa mukha.

  55. @denver, malamang marami kang nais pang marinig o sabihin sa yumao mong ama. marahil merong mga lihim na alam mong dapat sana ay nasabi nya sa’yo nguni’t nagkulang ang panahon. ipagdasal mo na lamang ang katiwasayan ng kanyang kaluluwa. love madam xixi

  56. @kazandro, dapat segurong dalhin mo ang iyong girlfriend sa isang tahimik na pook (tulad ng forest park o tabing dagat) at pagnilaynilayan ang takbo ng inyong relasyon. sa tagal man o igsi ng inyong pagsasama marami pa rin kayong dapat malaman tungkol sa isa’t isa. love madam xixi

  57. @ron, lagi kang nangingiming tuklasin ang maraming nakakatulong na karunungan sa iyong pang-araw araw na buhay. palawakin mo pa ang iyong kaisipan sa mas malayang paraan tulad ng pagbabasa. love madam xixi

  58. @angel, ang paglipad ay maaring pisyolohikal na pagpapahiwatig ng iyong katawan na mayroon kang kakulangan sa sustansya; kumain ka ng prutas at gulay… tulad ng saging at ampalaya at mapapansin mong hindi ka na mananaginip ng paglipad. ito rin ay sikolohikal, marami kang nais marating at maabot sa buhay kung kaya ang hiwatig nito ay pagkabagot. love madam xixi

  59. ano pong ibig sabihin sa panaginip ko na..pag gising ko patay sindi ung ilaw tapos bigla itong namatay nagsindi ako ng maraming kandila sa buong kwarto maraming maraming kandila ngunit iba dito ay namamatay kea nmn sisindihan ko ulit.nagsindi din po ako sa may drawer namin na may salamin pero hinde ko tinignan ung sarili ko sa salamin.paki sagot nmn po.maraming salamat po

  60. Madam, nanaginip po ako kagabi na ang kaibigan ko na malapit ng pumunta sa US ay nasa putikan at nangunguha ng mga nakalubog at patay na isda. Malalaki ang isda na nakukuha nya. nanunuod lang ako s kanya. Napanaginipan ko din ang patay ko na tatay, nanghihingi siya sa kin ng tinapay. kaya nagpabili ako para mapakain ko siya. bago dun sa lugar na din na yun, may nakalagay sa malaking batya na maraming isda na nasa tubig, languy sila ng languy. Malalaki din ung mga isda. May mga nakasulat na numero sa kaliskis ng isda at may mga salita din na nakasulat. Hindi ko lng matandaan ung mga salita.

  61. @cez, sa kasalukuyan ba ay mayroong isyu sa iyong romantic relationship kung saan ay malimit nauuwi sa confusion? indikasyon ang mga kandila, bombilya at salamin na kailangang mabigyan ng kapaliwanagan ang marami mong katanungan ukol sa totoong estado nito. love madam xixi

  62. @freda, pinapaalala sa iyo ng iyong panaginip na pagyamanin mo kung anong meron ka. talento man iito o ari-arian na maaring pinapabayaan mo. hindi mo na dapat pang iwasan ang katotohanang kahit papaano ay alam mong malaking bagay kung magpursige kang linangin ang mga ito. goodluck! madam xixi

  63. madam tama po kayo hinde po kme ok ng bf ko noong mga nkaraang araw pero bakit gnun po?naayos na po nmin itong mga gulo na ito ok nmn n po kme..pero ang tanong po is bakit ako NGAYON nka panaginip nito??hinde po ba dapat noon?salamt po ulit.

  64. nanaginip po lage ako na nahuhulog mula sa mataas na lugar papunta sa dagat o ilog at pagkatapos po ay pilit po akong lumalangoy.kulay itim po ang tubig dahil po yata gabi po palage at madilim sa panaginip ko.

  65. @cez, matagal na nakalutang sa hangin ang anumang di pagkakaayos ng dalawang puso, lalo na kung ang isa ay may itinatago pang sama ng loob . love madam xixi.

  66. @chacha, ang pagkahulog/paglipad ay indikasyon ng isang pisyolohikal na katiwalian o simtomas ng isang karamdaman. patingin ka kaagad sa doktor… love madam xixi

  67. matgal ko n pong gustong mlman kung ano ang ibig sbihin ng apoy o sunog at ng elevator o escalator s pnaginip? Sna po ay mbgyan nyo ako ng sgot.

  68. Maraming salamat po madam…
    Naliwanagan na po ako ngayon.
    minsan lang ksai ako managinip n talagang natatandaan ko ang halois lahat ng detalye.

  69. miss xixi may facebook po b kayo? Mahuhulaan nyo din po ba yung kapalaran katulad ng nagbibigay ng birthday? June 15, 1985 po Ako. My magandang kapalaran pa kya na darating sakin?

  70. nakapanaginip po ako ng desyerto at nandun po ako.nkakita din po ako ng mga dinosaur na nasa paligid ko.parang dumi lng nila ako sa kuko sa liit ko.kumakaen po sila ng mga kaktus.natatakot po ako kasi anlalake nila pero hindi nila ako nakikita.anu po kaya ang mensahe nun

  71. gusto ko lang pong malaman kung anong ibig sabihin ng panaginip ko.. halos hindi na po ako nakakatulog ng maayos dahil dito.. at natatakot na rin nga po akong matulog kung minsan dahil iniisip kong baka hindi na ako magising.. pero hindi naman po pede na wala akong gawin dito.. nananaginip po ako na hindi po ako makalagaw.. gusto ko pong gumising.. gusto kong imulat ang mga mata ko.. pero may pumipigil sa akin.. hindi rin po ako makapag-salita.. dahil halos walang lumalabas na boses sa bibig ko.. halos hindi din po ako makahinga.. ilang beses na po akong nagdadasal habang nanaginip ako.. pero hindi pa din ito nawawala.. minsan po.. kakapikit ko lang ng mata ko ay nanaginip na ako ng ganito.. tapos paulit’ulit pa sya.. after ko pong managinip ng isa.. gigising po ako.. tas pag napapikit uli ako.. bumabalik uli yung panaginip ko.. nahihirapan na po ako.. nararanasan din po ito ng kapatid ko… at hindi ko po talaga maipaliwanag kung bakit nangyayari ito.. sana po matulugnan nyo ako.. salamat po..

  72. @rhian.. MisS nakakapanaginip din ako ng ganyan kaso hindi panaginip tawag jan kundi bAngugot! Magdasal ka lang palage ng taimtim para mwala yan.at kung bnabAngungot ka pa din, ganto gawin mo.. Pilitin mo ipikit o pagalawin yung mata mo kht sa panaginip mo lang.madiin na madiin.tiyak after nun.magigising kana.

  73. good day… gusto ko po sana malaman ang mga nakaraan ko mga panaginip? noon po kasi madalas po ako nanaginip ng dagat na napakalinaw tapos my hawak po kami ng 4 kong kaibigan na lambat nilalakad namin ang dagat para manghuli ng isda ang lambat namin ay napakarami ng isda tapos napakalayo napala namin sa pangpang pero di po kami nalulunod at parang abot lang namin ang ilalim ng dagat kaya patuloy kami naglalakad at ng huhuli ng mga isda nagulat kami ng makita namin ang lalim ng dagat na sobra lalim at napaka linaw talaga at sobra dami ng mga isda na nagtatalunan pa sa lambat hanggang marating namin ang kabilang island na napakaraming dolphin at doon sumakay pa kami sa likod ng mga dolphin. ano po kaya ibig sabihin nito? thank you more power

  74. nanaginip din po ako ng balon na umaapaw at agos ng agos ang tubig nito napaka linaw talaga nakatingin lang ako doon sa balon.

  75. pasencia na po sa dami ko mga tanong gusto ko lang po sana malaman mga kahulugan ng mga panaginip ko pati po ang panaginip ko na nsa gubat daw po ako na napakadaming ibon may parrot at cockatoo na ibat iba ang kulay at ang gaganda ng mga balahibo ang mga palong nila ang hahaba huni sila ng huni at madaming lumilipad na mga ibon.

  76. @rhina, nakakatakot nga ang mga ganyang pagkakataon sa ating pagtulog. minsan ito ay dahil humiga na tayo makaraang kumain at nabusog; dapat kasi hindi tayo busog matulog. minsan ay dahil na rin ito sa dami nating iniisip at mga problemang di maresolba agad bago natulog at minsan naman ito ay indikasyon na meron tayong sintomas ng isang internal na sakit. marahil bago matulog ay seguraduhing maayos ang lahat at tatlong beses magdasal ng THE CREED. ingats. love, madam xixi

  77. @janina, malawak ang iyong kaalaman sa maraming bagay. nais mong maunawaan ang halos lahat ng mga gawi-gawi ng iyong mundo maging sa iba pa. marahil mas mabuting ituon mo ang iyong atensyon sa isang bagay at a time. focus muna sa isang partikular na bagay bago sa iba pa. matalino ka at malayo ang iyong mararating sa anumang propesyon na iyong pagtutuunan ng iyong panahon. love, madam xixi

  78. anu ibig sabihin na napanigipan ko asawa ko na may ibang babae sya at sinabi pa sken tapos lasing sya tapos uuwi na nadun nman ako sa bahy ng magulang ko. pinigilan ko sinabayan ko nlng isinakay ko sa motor ksma pa yung pamgkin bata at bayaw ko napunta kame sa isang kainan kase para mahulasan sya. ubus kasi lahat ng pera nya.ayun ngsng nko.

  79. anu din po ibig sabihin nung 2days n ngkasunud ko napanaginipan ko eh pinasok ako ng bahay nkkipaglaban ako tpos sa isang medyo kataasan lalaki may itsura,nagising nko.parang natakot ako ng magising tlga. bgo ho yun ung ex ko muna ang napaginipan ko d2.sumunud parang ganun din nga lng pkrmdan ko lng my nkilos sa labas ng kwarto sa panaginip ko. bumngon nlng ako ulit at hinde n muli natulog gang ng umaga.

  80. madam maraming salamat po sa mga katanungan meron pa po sana ako gusto itanong tungkol po ito sa ahas na mga puti at napakarami doon po sa isang kwarto pagpasok ko na doon lahat ng ahas at ang ulo nila hugis bungo katawang ahas para po silang kobra pagnakakakita ng tao tinawag ko daw po ang daddy ko para makita ang mga ahas tinuklaw naman daw po ang daddy ko sa kaliwang hita at doon nagpanic na po lahat sa bahay. ano po kaya ibig sabihin noon.maraming salamat po.take care alwys…

  81. @nicole, iisa lang ipinapahiwatig ng iyong mga panaginip, mayroon kang alinlangan lagi sa lahat ng mga malalaking desisyon na dapat mong gawin dahil hindi mo tuwirang pinag-aaralan ang mga ito. dapat seguro bago ka magbitaw ng desisyon ay sure ka sa magiging consequence ng mga ito, dahil kung hindi bubulabugin ka lagi ng mga ganitong dreams. love, madam xixi.

  82. @janina, ang basa ko lang sa iyong salaysay sa iyong dream parang dapat kang mas maging maingat kung magbubuntis ka. dapat din marahil na magpatingin sa iyong ob-gyne para makasegurado. love, madam xixi.

  83. nanaginip po ako na buntis ako. tapos kasama ko yung kapitbahay namin na tomboy sa labas ng bahay at pinagtsismisan ako na sya daw ang ama ng pinagbubuntis ko. tapos yung boyfriend ko rin po ay nanaginip din po na buntis din daw ako..ano po ba ibig sabihin non..tnx po.

  84. madam.,ganun po pla un..anu nman po ibig svhn nung my isa bag aq dala pgbukas ho nun ibat ibang klase ng palaman.. tpus pag nppnginipan po ba ung ex parate anu ibig svhn nun?? mnsn ksma pa ung napangasawa nya.

Sarado na ang mga puna.